...

13 views

Corona Virus
Di Matiyak sa isip ng mga tao sa pangyayari naganap
Nangungusap ang mga tanong sa problema humagilap
Corona, hari ka ng mga balita sa buong mundo
Namamayagpag ang iyong trono sa apat na kanto
Tama nga ba ilagay sayo ang korona?
Sa salot mu dala, mga tao'y nagdurusa
Hangin saiyo'y kusang nagpaalipin
Kapangyarihan mu taglay ay idinulot mu sa kasamaan
Mga tao'y naghihimagsik sa kalayaan pinagkait
Di matatawaran ang iyong kalupitan
Tahasan mong linupig sa kawalang malay na kinagisnan
Wala ka pinipili lugar sa pagpapakahari
Tilay gutom na higante na gumising sa maraming taon ng pagkakahimlay
Mga biktima ay nagmistulang tupa na iaalay

Tao'y nagising na sa kamang-mangan nagawa
Taas noo'y pinaglalaban ang buhay na mapayapa
Mahirap man o mayaman ng estado sa lipunan
Dakilang nagkapit-bisig sa pagtutulungan
Sa daming sakuna at trahedya nangyayari
Taimtim nagdarasal sa poong maykapal
Humihiling na sana'y matapos ang delubyong kasamaan
Sa trono kinalolokan ay unti-unti matuldukan
At sisibol ang pag-asa sa puso't isip ninuman
Sa mantsa dulot ng corona nawa'y magsisilbi aral sa atin at darating pa henerasyon

#Corona #inpiration #coronalockdown