...

1 views

Sa Lahat ng Oras
Ikaw ang hatinggabi—
'pagkat payapa 'pag ikaw ang katabi.
Ikaw ang madaling-araw,
na unang nais matanaw.
Ikaw ang madaling-umaga,
ang umpisa at nag-iisa.
Gaya rin ng bukang-liwayway,
sa iyo'y maghihintay.
Ikaw ang umaga—
ang dahilan ng ligaya.
Ikaw ang tanghali—
na aking tinatangi.
At kahit sa maghapon—
ang atensiyo'y sa'yo lang nakatuon.
Sa bawat dapithapon—
pag-ibig ko sa'yo ang nais ipabaon.
At sa tuwing takipsilim—
sa'yo lang palagi titingin.
At kahit dumating man ang gabi—
ang puso'y sa'yo lang mananatili.
© Noni