"Dikta ng Kapalaran"
Parang nagsusungit pa rin ang dagat;
Bawat paghampas ay sobrang kay bigat;
Wala kang magagawa kundi humalukipkip na lang habang tinititigan;
Inaabangan ang nag - uunahan at nagsasalpukang mga alon sa dalampasigan;
Parang ikaw lang noon kung maaalala mo;
Kay bilis ng pagdating ganun din naman nang magpaalam;
Parang tayo lang noon kung sasariwain...