...

3 views

PAGHILOM
natatakot, nangangamba, hindi alam kung kanino magtitiwala pa. sapagkat ang akala kong pag-ibig ay kalokohan lang pala. nakatatak na yata sa aking isipang huwag magtiwala sa kahit na sino. dahil masasaktan lang ulit, mawawasak ng paulit-ulit, sa parehong dahilan at sa parehong paraan.

kaya ako'y titigil na sa larong ito, kung alam kong hindi naman pala tayo sigurado. hindi ko na hahayaang mawasak na naman ang sariling nakaya kong buuin.

ilang taon ang hinintay para maging maayos. ilang buwang ininda ang sakit na iginuhit mo sa aking dibdib. ilang linggong kinimkim ang ang mga tahimik kong laban para sa relasyong hindi naman pala ako kailangan. ilang araw kong sinubukang huwag ka ng alalahanin pa. ilang oras, ilang oras at minuto ang sinayang ko kakasisi sa aking sarili na ako ang puno't dulo ng lahat ng nangyari.

pero nagkamali ako. inaka kong hindi ko kayang tumayo mag-isa sa sarili kong mga paa. nabulag ako, nabulag akong hindi ko kayang mabuhay ng wala ka. pero narito ako, sinusubukang tumindig at maging matatag sa labang ito, pinapaintinding ako'y malaya na sapagkat ang releasyong ito'y tapos na, ako'y maayos at payapa na.
≪•◦ ❈ ◦•≫
© rys