Agos
Sa bawat agos, ako'y patuloy na nagpapatangay.
Nagpapatianod, nagiging silahis ng mga lihim.
Tila ako'y dinadala ng di-maarok na daloy, na parang tadhana’y sumasailalim, tahimik na sumusunod sa alon ng kapalaran.
Ang pintig ng puso’y alingawngaw ng tulang hindi kayang bigkasin,
mga salitang bumabalot sa dibdib, sa kailaliman ng damdamin nais ilihim.
Hindi ko kayang sambitin ang iyong ngalan...