...

3 views

Huwag
Minsan naisip mo na ba? Kung gaano ang alapaap ay napakalayo sa atin. Kung paanong ang pagitan ng lupa at langit ay singlawak ng milyong metrong guhit.

Walang nakakaalam sa kinabukasan. Kaya paano mo nasabing hanggang dito ka na lang? Kung wala pang taong nakasukat sa layo natin sa alapaap. Lalo't wala pang nakaalam ng lawak sa pagitan ng lupa at langit. Paano mo nasabing ang hiwaga ng bukas ay nakakulong sa mga limitasyon ng ngayon?

Paano mo ako mapapaniwalang hindi ako magiging maayos, mapayapa, mabuti, at maka-Diyos. Kung ang bukas nga ay di mo masabi kung ano ang kalalagyan?

Huwag mo kong tuldukan. Huwag na huwag mong piliting isarado ang libong oportunidad na sa pinto ko'y kumakatok. Huwag, dahil hindi ikaw ang lumilok sa akin. Hindi mo madidiktahan, ni hindi mo mahahawakan, ang aking kinabukasan.

Kaya sa mga nagsabing hindi ko kayang magbago... maging sa sarili kong nagduda, nanghusga, at nagbaba sa kompyansa ko. Huwag, huwag kang magsalita ng tapos. Dahil ang Diyos, hindi pa siya sakin tapos.

© All Rights Reserved