...

4 views

TULA
nais kong ihambing ang pag-ibig sa isang tula. alam niyo ba kung anong pinakamahirap na parte nito? ito ay ang isulat ang simula. dahil hindi alam at walang kasiguraduhan kung paano uumpisahan. sa pagbati ba ng "magandang umaga, kamusta ka?" Pagpapakilala ng pangalan, "ako nga pala si Rusinni S. Callesa, tumatangi at iniibig ka." O kaya sa pagtatanong kung anong gusto mo, at paghantong sa mga pagkakapareho pala nating dalawa.

at sa pinakamadaling parte ng tula, ay ang wakas.
dahil alam ko na kung anong naging takbo ng istorya,
batid ko na kung pa ano tayo humantong sa ganitong sitwasyon, at alam ko na kung pa ano ito wawakasan. kaya nga siguro mabilis kang nakapagpasya, bumitaw at iniwan akong nag-iisa. kasi batid mo na kung pa ano ang daloy ng ating paksa. sana man lang ginandahan mo ang tula nating dalawa, yung tipong bawat talata ay may tugma at ituturing itong obra ng karamihan, pero mali ako... dahil ang hinandog mo sa akin ay tulang malaya.
≪•◦ ❈ ◦•≫
© rys