...

5 views

balik-tanaw
sinubukang isulat itong tula
sinubukang imulat itong mata
komplikadong mga tula
kinabisado, sinulat, kinatha

paligoy-ligoy mga letra't salita
paikot-ikot dito't sa kabila
sinubukang linawin sa salita
pumasok at lumabas sa kabila

magulo nga ba ang isip ng kumatha?
o hindi man lang naihai't naihanda,
inayos, isinalin, isinatula ang akda,
ngunit sa kabigua'y, 'di siya handa

sa mundong gulo ang nasa ibabaw
nananatiling nag-iisa ang malinaw
mahal kita, hindi man bumalik
mahal kita, hindi man bumalik
© poufpoetry