...

17 views

A Promise of Unspoken Love
Tagalog translation:
Hindi ko man palaging sasabihing mahal kita, ngunit hanggang sa ating pagtanda'y ika'y aking mamahalin pa rin, at aking papatunayan sa araw-araw kung gaano kita kamahal.

Hindi ko man palaging sasabihing iintindihin kita palagi, ngunit andito lamang ako kung kailangan mo ako at uunawain ko ang bawat pangit na tingin sayo ng tao.

Hindi ko man palaging sasabihing iingatan kita, ngunit sa bawat pagpatak ng iyong mga luha at paglagas ng iyong mga buhok, mahal, ako'y iyong magsisilbing tahanan.

Hindi man ako palaging naririyan ngunit asahan mo sa paglipas ng panahon ako'y iyong magiging tahanan at ulanin man tayo ng sangkatutak na problema ay hindi tayo papadaig at ating iyong lalampasan magkasama.

Ang aking pangako sa'yo na hindi ko man masabi ang ilang bagay, mahal, andito lamang ako, ngayon hanggang kamatayan.

Dahil aking mahal, sa bawat pagtatagpo ng ating mga kamay, sa bawat pagpikit at pagmulat ng iyong mga mata ang gusto ko ako ang iyong makikita, at sa pagsikat ng araw at paglubog, mahal, habambuhay pipiliin ka.


English translation:
Even if I don't always say "I love you," I will still love you until we grow old, and I'm going to prove to you every day of my life how much I love you.

Even if I don't always say that I will always understand you, I am here if you need me, and I will understand every harsh glance others give you.

Even if I don't always say that I will take care of you, with every drop of your tears and every strand of your hair that falls, my love, I will be your home.

Even if I am not always present, know that with time, I will be your home, and even if we are showered with countless problems, we will not be defeated; we will overcome them together.

My promise to you is that even if I cannot say some things, my love, I am here, now until death.

Because my love, with every meeting of our hands, with every blink and opening of your eyes, I want to be the one you see. And with the rising and setting of the sun, my love, I will choose you for a lifetime.

A/N: Special thanks to ChatGPT for the title and translating some.


© Z.K 🩷