...

4 views

Sana✨
Magiging "Mahal",

Ika'y sinusulyapan palihim, nagmumukhang baliw
sa dilim.
Tila baga'y kulang ang araw ng hindi ka masilayan.
Tila'y isang sorbetes na natutunaw pag ika'y naririyan,
Katabi nag-aabang ng masasakyan.

Sabay umuuwi ngunit parang abo lang sa iyong tabi.
Kailan kaya magkakaroon ng puwang, saan kaya ako maglalagi?
Kailan kaya ako magiging dahilan ng mga pagkurba sa iyong mga labi.
Kailan kaya masasabihang "Mahal, Sabay na tayong umuwi".

Sana, sa kabilang mundo ay may matatawag ng "Tayo".


Nagmamahal,
© @LVIETH