...

13 views

Ama
Aking ama
Ngayon ay iyong kaarawan
Maligayang kaarawan
Maligayang kabuhayan
Sapat na pagmamahalan

Masaya ka sana sa araw na to
Dahil masaya akong kasama pa kita sa mundong to
Gusto ko lamang ialay sayo ang tulang ito
Kung saan ako'y hihiling at hihingi ng patawad sa iyo

Sana'y hindi pa ito ang huling araw na magsasaya ka
Sana'y mas higit pa dito ang araw na makasama kita
Nais kong ika'y mapasaya
Patawad ngunit ito lamang ang aking kaya

Antayin mong ako'y makapag tapos
Sisiguraduhin kong ika'y hindi na magiging kapos
Sa buhay ma'y nakagapos
Mawawala din ito pag ang hirap ay natapos

Ipapangako ko sayo aking ama, Aking susuklian lahat ng iyong pag aaruga
Tataposin ko ang aking pag-aaral, Nang sa gano'y makabawi ako sa iyong sakripisyo at pagmamahal

Ngayong araw ang kaarawan mo, Hiling ko lang na maging masaya ka sa araw na ito
Palagi kong ipinagdadasal ang iyong kalusugan,
Na sana'y humaba pa ang iyong buhay para mas makasama pa kita ng matagal sa mundong ating pinapatungan.

Pasaway man ako saiyo papa
Isa lang ang papatunayan ko, iyon ay ang mahal kita
Ang pagmamahal na higit pa sa inaakala mo
Ang pagmamahal na nang gagaling mismo sa puso ko