...

11 views

Sulat sa Taong minamahal ko ngayon (Part II)
(Pagpapatuloy )

Pagdating sa pagmamahal naibuhos ko na ang dapat kong ibuhos, naisakripisyo ko na ang dapat ko isakripisyo. Naubos na ako.

Ikaw na bagong tao na dumating sa buhay ko habang handa na ako mag isa , habang masaya na akong nag iisa.Habang nasasanay na ako makita ang mundo na masaya kahit nag iisa. Nangangarap ng mga bagay na mag isa, nag eenjoy sa mga bagay kahit mag isa. Nag uumpisa na ako mabuo uli at tumayo ng nag iisa ako. Natututo na ako na kaya pala maging masaya mag isa . Kaya ko naman pala maging buo kahit sa pamamagitan lang ng mga simpleng bagay. Magiging matatag ako ng ganto at tahimik ang buhay. Walang iniisip na pag aalala at takot na baka may biglang magbago. Hindi ko binabase sa ibang tao ang damdamin ko kung dapat ba ako maging masaya . Di ko denedepende sarili ko sa iba kung ano magiging kilos ko at pananalita. Wala akong basehan ng saya maliban sa sarili ko lang. Pwede naman pala maging memorable ang mga lugar at petsa kahit mag isa lang ako. Nag uumpisa palang ako humilom sa pag bibitiw ng pangarap ko . Pangarap na may isang tao na makaka pag pahalaga sa akin at sa pag mamahal ko, binitiwan ko na . Nag uumpisa na ako bumuo ng bagong pangarap na di na nakabase sa iba. Makakaiwas na ako na madissapoint, makakaiwas na ako na mareject, makakaiwas na ako na magmukang mapaghanap . Makakaiwas na ako sa sakit na yung tipong ako lang pala ang may pangarap sa relasyon at ako lang pala ang nag iisip na mas maging maganda pa ang samahan. Makakaiwas na akong mapahiya sa sarili ko na mali pala ang akala ko sa lugar ko sa buhay ng isang tao.Iba pala ang saya na di kailangan mangarap para sa dalawang tao. Nakita ko din na mas mapag tutuunan ko ng pansin ang sarili ko at mas magagawa lahat ng magpapasaya sa akin ng walang bawal at walang iisiping may magtatampo. Nang galing na ako sa relasyong nakakulong ako at sa wakas malaya ako ngayon mag desisyon sa sarili ko. Nang galing na din ako sa relasyong wala talaga pakeelam sakin kahit may sakit ako o nahihirapan, andiyan sya na parang wala. Unti unting dumadating ang mga bagay na magpapasaya sa akin dahil nga malaya ako uli, masaya naman pala yung mag isa. Andiyan sila na madaming kaibigan, lalo na mga taong kumakausap sakin para mabigyan ko ng atensyon at mas makilala sila kahit di relasyon.

Pero ngayon dumating ka. May mga iilan ding dumating na kasabay mo at nag papakita din ng saya at pag seselos sa akin. Kaso iba ka . Ikaw yung tipo ng taong pag nag seselos ka kinakabahan ako kahit wala pa namang tayo . Ikaw yung tipo ng taong hindi naman tayo pero kusa akong nag sasabi asan ako at sino kasama ko. Ikaw yung tipo ng tao na kapag sinasabi mo kung nasaan ka ay naiimagine ko . Ikaw yung tipo ng tao na sa paraan na kausapin mo ako ay parang tayo na. Nag kukwento ka ng mga bagay at nagtatampo ka kapag ako di nag kukwento , nag tatanong ka ng mga bagay at nag tataka ka dahil ako di matanong. Di ko alam ano gagawin ko sa sitwasyong to' . Ipinapakita mo ang mga bagay na nuon hinihiling ko na sana nga may ganyang tao. Pano' ba to' ?
Kapag di ka nag paparamdam iniisip ko na nag bago ka na , iniisip ko na wala ka na , iniisip ko na ok sige atleast agad nawala , wala pa nasasaktan na ako , ano ba yun haha. Yung inuumpisahan ko ng buuin na mag isa sa sarili ko , nilalagyan mo ng parte mo. Kinakalma ko ang sarili ko sa nangyayare, may dumadating na di ko inaasahan kahit handa na akong wala na yun. Di ko na maalala kung kelan yung oras na biglang nag shift ang isipan ko na tuluyan mag focus sayo, sinusubukan ko nga mag back read ng ilang bwan para makita ko ang usapan natin sa messenger paano ako nag iba ng isipan. Yung pag kumbinsi ko sa sarili ko na mag isa nalang ako talaga eh unti unti natunaw sa paraan na ikaw lang ang may alam ( baka gusto mo ibulong 'How'?)

Ikaw lang ang nakaka alam ano ba ang nangyare sa atin , bat biglang napunta tayo sa ligawan , na parang napunta tayo sa lambingan, na parang na punta tayo sa relasyon na di pa naman official ( baka gusto mo ibulong 'How'?) Ikaw lang ang nakaka alam kung ano ang meron sa mga tingin mo at mga ngiti nung oras na nagkita tayo.
Ikaw lang ang nakaka alam ng nasa isip mo nung oras na nakatitig ka sa mga mata ko. Ikaw lang ang nakaka alam ng mga kilos mo habang kasama ako. Ikaw lang nakaka alam ng ginagawa mo . At di ko din makuha paano.
Paano mo nagawang kausapin ako sa paraan na magaan lang pero may dating. Paano mo nagawang makuha atensyon ko sa paraang buzy ako sa ibang bagay. Paano mo nagawang tumatak sa isipan ko sa pamamagitan ng kakaibang mga kilos mo at pananalita. Paano mo ko napapasaya sa paraang di ko akalain. Paano ako napa kilos ng di ko na napapansin .

Nag uumpisa na akong magtanong sa sarili at di mapakali. Nag uumpisa na ako kabahan uli. Nag uumpisa na uling magtalo yung dalawang konsensya sa utak ko. Nag uumpisa na uling mag usap paano makakalma ang sarili ko.
Di ko na alam pa paano mag sasalita batay sa dapat ko sabihin , di ko na alam paano makikipag usap ayon sa paraan na dapat ganun ako. Binaba ko na yung boundaries ko.

Habang tumatagal ang mga araw para bang nasa ibang agos na ako ng tubig . Yung tubig na anduon ka at ikaw ang sumasagwan. Nakuha mo na yung atensyon ko ng buo. Mas nakikinig na ako sayo kesa sa sinasabi ng isip ko sa akin. Bat' nawawala na yung buhay na mag isa ako. Hanggang sa di ko namalayan na kasama ka na sa bawat araw ko. Yung boses mo nadidinig ko sa ding ding. Yung boses mo nakikita ko bubong. Yung boses mo natatapakan ko sa kalsada habang nakayuko ako. Yung boses mo nasa lamesa pag kumakain ako. Ano ba yun?!

Nag uumpisa na akong mag stalk sa fb mo. Inaalam ko lang sino mga ex mo. Inaalam ko lang sino sino yang mga nakita kong ka date mo. Inaalam ko lang kung may makikita akong pag seselosan ko. Inaalam ko lang kung may karibal ako. Daming babae . Puro sexy. Puro magaganda. Puro malalaki. Daming babae nakapaligid sayo . Daming babae na masayang kasama ka. Napa tanong ako sa sarili ko.Ano nanaman kaya balak ng taong ito...